272 - Binabati Kita

Binabati kita, Banal na umaga
Ng pagpapahinga na itinalaga!
Ako'y aba kung sa bagay
Nguni't pinagsasakitang
Marating ang kalangitan!

Dumating kanawa haring mapagpala
Kaming mga aba dalhin sa biyaya!
Ang buhay Mong pangungusap
Nawa sa ami'y tumalab
Nang kami'y makapagtapat!

Kami ay babain Espiritung aliw,
Naming may hilahil nang lakas ay kamtin!
At kung magkagayon naman
Kami'y magbabagong buhay
At hindi nasasalangsang!

0:00 0:00